Monday, October 24, 2011

AKO.


Ako ang sasagip sa buhay mong lugmok ng kalungkutan.

Ako ang yayakap sa iyo sa ilalim ng buhos ng ulan.


Ako ang maguuwi ng pansit at bubugbog sa lahat ng lasenggong haharang sa aking daan.


Ako ang kakanta ng mga awit ng pagibig habang nasa labas ng iyong bintana.


Ako ang magaangkas sayo sa bisikleta ng pagibig habang nalalaglag satin ang mga dahon ng taglagas.


Ako ang makakasama mong maglakad sa dalampasigan sa mga gabi ng tag-araw.


Ako ang magtitimpla ng kape sa tuwing darating ang taglamig.


Ako rin ang magdadala sa iyo sa Luneta tuwing tagsibol.



Sana'y totoo ang bawat panaginip.

- circa 2010

humanap ka ng pares…kalye eating experience...


Bente singko dalawang tasa… isang tasa ng kaning kulay dilaw at isang tasa ng sinabawang hindi mo malalaman kung ano… walang gamit ang tinidor…  apat na maiitim na lalaki ang nagbibigay ng serbisyo… isa sa kanin, isa sa ulam, isa sa kubyertos, isa sa basahan… lima, anim o pitong katao ang nagsisiksikan sa kariton na may patungan… subo lang ng subo… kain lang ng kain… wag ng isipn kung ano o anu ano ang nakahalo sa tinatawag mong pagkain… subo pa ulit… punas ng pawis…mejo mainit dahil siksikan… iba’t ibang tao ang kasalo mo sa hapag… may mag-asawang sinusubuan ang nakahubong anak… may mga lalaking hindi mo maisip kung saang lugar nanggaling at kung saan patungo dahil sa pawis na butil butil… meron ding katulad mong may pagnanasang makaranas ng kakaibang sarap..

Wag ka nang tumingin sa pader na nasa likod mo… kakaiba ang makikita mo… gusto mong malaman kung ano? sige sasabihin ko...

"BAWAL UMIHI DITO…"




- Circa 2009