Friday, January 23, 2015

SUBMERGE

Embrace the shore, feel the waves as they take us to the ocean deep

Watch the velvet sky look down as the cold water swallows our guilt

Never worry, we'll have so much time before the sun shines

The night is too young.

Let go for now, see our tears disguise as saltwater

Let the hanging moon hear our laughter

This night is ours.

Talk about our old dramas

and wonder why we're not the same...

DAMN...

The moonlight on your face fits well...

All I can do is stare...

Hold me as we breathe in,

Never let go as we cave into the tides.


-Law (2009) 

Friday, November 30, 2012

BAGSIK

II              
                   ” HINDI AKO SUMISINGHOT NG TWALYA!!!” 
                   Sagot ko sa mahal na haring reyna. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nya at ng kanyang mga alagad. Alam kong nakagawa ako ng salang pagbabayaran ko hanggang sa huling segundo ko sa lugar na ito. 
                  Sobra sa talas ang tingin ng baklang elyen. Parang labahang hihiwa ng dyamante ang talim. Nahiwa ako sa tingin nya… oo.. nahiwa ako. Tila sumugat sa laman pero hindi nagdaan sa balat. 
                 ” PUNYEMAS!!! SINO KA PARA TUMANGGI!!!??? NANDITO KA SA AKING KAHARIAN!!!!!!”
                 Parang nakarinig ako ng kulog sa sinabi nyang yun. sumunod pa ang kidlat ng ituro nya sa aking direksyon ang hintuturong may mahabang kuko na kulay maroon-orange. 
                 Natuyo ang labi ko. nakita at nadama ko kung bakit ganun nalang ang takot sakanya ng lanyang mga alagad…
                 “Nag-inom lang po ako…”
                  Mahinay na sagot ko sa mahal na haring reyna. Nakuha nya ang respeto at takot ko. Alam kong magiging pahirap sakin kung lalabanan ko sya sa oras at lugar na yun. 
                  Hindi ko alam ang laman ng isip ko nung mga oras na yun. Iisa lang ang nasabi ko sa sarili ko…
                  ” Hindi pa ko papayag na mamatay…”
                                                
  To be continued....



-NOV 2009

BILANGGO



I

“BILLANGGO, SA REHAS NA GAWA NG PUSO MO”
                    Yan na ang huli kong kanta. Nagising nalang ako sa pisik ng tubig mukha ko.  Nahimatay nanaman ako sa kalasingan. Hindi ko na nga din kilala kung sino ang nagpisik sa mukha ko at kung ano ang ginamit nito. Pero ang sigurado. Wala ako sa bahay ko.
                     Iba ang itchura ng tao dito. Mejo asul ang balat at luwa ang mata. Maliit ang bibig at katamtaman ang taas. Matatakot ka siguro kung ikaw ang nandun. Pero hindi yun ang naramdaman ko. Kung nagtataka ka kung saan to, yun din ang tanong sa isip ko. Wag mo akong tanungin kung bakit.  Wag mo ding itanong sa sarili mo. Ituloy mo lang ang pagbabasa  mo, at itutuloy ko ang pagsulat dito. 
                    Lumapit ang isa sakin at nagsalita. Wala akong naintindihan. Hindi ko alam kung lenguahe nila yun o dahil lang sa liit ng bibig nila kaya ganun ang pagkakarinig ko. Umiling ako ng tatlong beses. Hindi sya tumigil. Parang may panganib na parating sa tono ng boses nya. Sinundan ko ang dulo ng daliri nyang nakaturo sa kawalan. Muntik akong mapamura sa nakita ko. Isang elyen na mukhang bakla. Oo. ELYEN NA MUKHANG BAKLA. Hindi ko maisip kung bakit ganun nanlang ang takot kila sa elyen na yun. Lhat sila ay nagsiyuko habang papalapit ito. 
                   Nagumpisang sumigaw ang elyen. Hindi ko alam kung galit o masaya ang sigaw nya. Hindi nagtagal nabasa ko sa mahaba nyang pilikmata ang mensahe ng sigaw nya ( wag mo narin itanong kung paano ko ito nagawa) ” Putang Ina, anong ginagawa ng isang mortal sa harap ng aking trono? ” sabi ng mga pilikmata nyang naginginig sa galit. Lahat ng asul na nilalang ay nanatiling nakayuko bukod sa isa ” nakita po namin sa labas ng gate sumisinghot ng twalya”  sabi nya sa lenguahe nila. malabo pero naintindihan ko na ang usapan nila. Namukhaan kong siya din ang alagad na kumausap sakin kanina. 
                  ” Sumisinghot ng twalya? hindi na ba nila kaya ung sa palara kaya’t puro twalya nalang ang tinitira nila?” tanong ng haring mukhang reyna. 
                  “ Di na siguro kaya ng budget mahal na haring reyna” sagot ng asul na alagad. 

to be continued…




-NOV 2009

Monday, December 12, 2011

Tragedy in Fairlight Darkness

Another fairlight darkness falls from away
My angel, my heaven don’t you go astray
While daggers are falling, will you stay with me?
Embrace all my hidden fears, set me free

I’m sorry I can’t be your angel above
Can’t settle your feelings for mine’s still lost
Can’t give you the comfort and touches so warm
My peace too is broken by sounding alarms

I beg you my angel, I beg for your kiss
Your touches can help fade away all the fears
Show me the stars, the heavens I missed
Show me the loving, save me from this

Hushed by the tears, I stand here melted
Smashed by the guilt, you leave me naked
Forgive me my lover I’m not what you need
Forgive me my lord knight, I don’t deserve this

Never fade princess or else I would die
Never blink goddess your eyes are my light
You know you’re deserving for all of the love
The one who could save me from darkness above

We’re standing alone in the sea of darkness
You will never be safe with an unreal goddess
Fruitful you may have seen me in your eyes
But mirrors will guide you beneath the disguise

But mirrors are things, reflections are fake
Affections are made to accept the mistakes
Together we’ll see that no star is perfect
And show that we won’t have thing to regret

Forgive me I’m selfish I know that it’s true
But this is what’s better, better for you
You won’t need to live in a world full of hate
You don’t need to venture and sacrifice fate

Say what you may , but i'll always be waiting
To the end of my days , i choose to die trying.
for a moment with you, i'll give up my all,
for without you i can't stand , without you i fall



- circa 2008





Monday, October 24, 2011

AKO.


Ako ang sasagip sa buhay mong lugmok ng kalungkutan.

Ako ang yayakap sa iyo sa ilalim ng buhos ng ulan.


Ako ang maguuwi ng pansit at bubugbog sa lahat ng lasenggong haharang sa aking daan.


Ako ang kakanta ng mga awit ng pagibig habang nasa labas ng iyong bintana.


Ako ang magaangkas sayo sa bisikleta ng pagibig habang nalalaglag satin ang mga dahon ng taglagas.


Ako ang makakasama mong maglakad sa dalampasigan sa mga gabi ng tag-araw.


Ako ang magtitimpla ng kape sa tuwing darating ang taglamig.


Ako rin ang magdadala sa iyo sa Luneta tuwing tagsibol.



Sana'y totoo ang bawat panaginip.

- circa 2010

humanap ka ng pares…kalye eating experience...


Bente singko dalawang tasa… isang tasa ng kaning kulay dilaw at isang tasa ng sinabawang hindi mo malalaman kung ano… walang gamit ang tinidor…  apat na maiitim na lalaki ang nagbibigay ng serbisyo… isa sa kanin, isa sa ulam, isa sa kubyertos, isa sa basahan… lima, anim o pitong katao ang nagsisiksikan sa kariton na may patungan… subo lang ng subo… kain lang ng kain… wag ng isipn kung ano o anu ano ang nakahalo sa tinatawag mong pagkain… subo pa ulit… punas ng pawis…mejo mainit dahil siksikan… iba’t ibang tao ang kasalo mo sa hapag… may mag-asawang sinusubuan ang nakahubong anak… may mga lalaking hindi mo maisip kung saang lugar nanggaling at kung saan patungo dahil sa pawis na butil butil… meron ding katulad mong may pagnanasang makaranas ng kakaibang sarap..

Wag ka nang tumingin sa pader na nasa likod mo… kakaiba ang makikita mo… gusto mong malaman kung ano? sige sasabihin ko...

"BAWAL UMIHI DITO…"




- Circa 2009