Friday, November 30, 2012

BILANGGO



I

“BILLANGGO, SA REHAS NA GAWA NG PUSO MO”
                    Yan na ang huli kong kanta. Nagising nalang ako sa pisik ng tubig mukha ko.  Nahimatay nanaman ako sa kalasingan. Hindi ko na nga din kilala kung sino ang nagpisik sa mukha ko at kung ano ang ginamit nito. Pero ang sigurado. Wala ako sa bahay ko.
                     Iba ang itchura ng tao dito. Mejo asul ang balat at luwa ang mata. Maliit ang bibig at katamtaman ang taas. Matatakot ka siguro kung ikaw ang nandun. Pero hindi yun ang naramdaman ko. Kung nagtataka ka kung saan to, yun din ang tanong sa isip ko. Wag mo akong tanungin kung bakit.  Wag mo ding itanong sa sarili mo. Ituloy mo lang ang pagbabasa  mo, at itutuloy ko ang pagsulat dito. 
                    Lumapit ang isa sakin at nagsalita. Wala akong naintindihan. Hindi ko alam kung lenguahe nila yun o dahil lang sa liit ng bibig nila kaya ganun ang pagkakarinig ko. Umiling ako ng tatlong beses. Hindi sya tumigil. Parang may panganib na parating sa tono ng boses nya. Sinundan ko ang dulo ng daliri nyang nakaturo sa kawalan. Muntik akong mapamura sa nakita ko. Isang elyen na mukhang bakla. Oo. ELYEN NA MUKHANG BAKLA. Hindi ko maisip kung bakit ganun nanlang ang takot kila sa elyen na yun. Lhat sila ay nagsiyuko habang papalapit ito. 
                   Nagumpisang sumigaw ang elyen. Hindi ko alam kung galit o masaya ang sigaw nya. Hindi nagtagal nabasa ko sa mahaba nyang pilikmata ang mensahe ng sigaw nya ( wag mo narin itanong kung paano ko ito nagawa) ” Putang Ina, anong ginagawa ng isang mortal sa harap ng aking trono? ” sabi ng mga pilikmata nyang naginginig sa galit. Lahat ng asul na nilalang ay nanatiling nakayuko bukod sa isa ” nakita po namin sa labas ng gate sumisinghot ng twalya”  sabi nya sa lenguahe nila. malabo pero naintindihan ko na ang usapan nila. Namukhaan kong siya din ang alagad na kumausap sakin kanina. 
                  ” Sumisinghot ng twalya? hindi na ba nila kaya ung sa palara kaya’t puro twalya nalang ang tinitira nila?” tanong ng haring mukhang reyna. 
                  “ Di na siguro kaya ng budget mahal na haring reyna” sagot ng asul na alagad. 

to be continued…




-NOV 2009

No comments:

Post a Comment